Pagdating pa lang ni TADO sa ABSCBN, Tuesday morning, kinausap na siya ng isang Big Boss ng Showtime na may magaganap na “Sorihan Portion” dahil sa mga sigalot na namagitan sa kanila ni Vice Ganda sa Monday Episode ng Showtime.
So nagsimula na ang pagsosorry. Ngunit ang pagsasabi ng sorry ay may halo pa ring hesitation na marami pang palabok at lumalaban pa rin. Ayon sa aking narinig sa The Brewrats Republic sa U92.3 FM, meron pala silang script at si Vice Ganda ay lumihis sa script na patuloy pa rin sa pagmamatigas na “Bad” ang pagnanakaw, ngunit hindi n’ya binanggit na masama rin ang Pamamakla. Ito ay ayon kay Tado na DJ sa station at host ng programa kasama si Ramon Bautista at DJ Angel.
Kung ang isang tao, sincere sa pagsasabi ng Sorry, dapat wala nang “ngunit, pero, kasi” mas maigi pang marinig ang simpleng salitang “SORRY” tpos wala na.
Ganun pa man, sumunod pa rin si TADO sa script at humingi ng paumanhin sa lahat ng taong naoffend sa mga binitawan n’yang linya.
Related Stories:
Vice Ganda vs Tado, The controversial video